Relihiyon.

Mahirap ba kapag magkaiba kayo ng relihiyon ng boyfriend/girlfriend mo?

Sa totoo lang, napagdaan ko na ito. Isa akong Katoliko at nagkaroon na ako ng boyfriend na iba ang relihiyon. Dalawang beses pa.

Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng boyfriend na Born Again. Sa panahon na magkasama kami, di ko naramdaman ang pressure na magkaiba kami ng relihiyon. Ni hindi ko nga maramdaman na hindi sya Katoliko. Sinasamahan nya ako sa pagsimba tuwing Linggo. Nagagawa namin ang mga bagay na gusto naming gawin kahit na alam kong ang iba doon ay hindi pinahihintulutan ng relihiyon nila. Siguro dahil na rin sa pagmamahal nya sakin kaya nya nagawang baliwalain ang mga limitasyon at restrictions sa kanya. Naging okay ang lahat samin. Di namin naging problema ang relihiyon ng isa’t isa.

Sa ikalawang pagkakataon, nagkaroon naman ako ng Baptist na boyfriend. Nung una akala ko magiging okay lang din lahat. Akala ko hindi ito magiging big deal. Pero habang lumilipas ang panahon, unti unti kong napapansin na parang may hindi sya sinasabi sakin. Hinahatid nya kasi ako lagi sa bahay pagkatapos ng klase. Nung huli ko na lang nalaman na kailangan nya palang umattend ng Church nila tuwing hapon Wednesday at Friday. Dahil sobrang hapon na ako umuuwi galing school, ginagabi na sya pag-uwi sa kanila. Tapos minsan pa pinapastay ko muna sya sa bahay. Pagkatapos kong malaman yung tungkol sa Church Days nila, hindi na ako nagpapahatid sa kanya. At ikinagalit nya yun. Pinagaawayan namin lagi yun. Actually, pinagagalitan na rin sya ng Mom nya kasi lagi syang late or kung hindi man, hindi na talaga sya naattend. Dumating kami sa puntong hindi na sila naguusap ng Mom nya. At nakonsensya ako dun. Buti na lang napagusapan namin ng maayos. Kaya nga lang minsan mas pinipili nya talagang samahan ako kaysa umattend sa Church nila.

Para sakin, hindi naman mahirap. Kailangan lang talaga ng pag-uusap na may kasamang unawaan. Dapat alam nyo sa sarili nyo ang limitations at restrictions nyo as a couple na may magkaibang religion.

Tagged as: kwentoko,   buhayko,   experiences,   love,   religion,   aly,